Inanunsiyo na ng American fast-food giant na McDonalds ang tigil – operasyon nito sa Russia dahil sa nagpapatuloy na Russo-Ukrainian War.
Ayon sa McDonalds, isasara na nito ang 850 branches nila sa Russia na may 62K employees.
Bukas naman ang kompanya sa sinumang interesadong bumili ng kanilang assets.
Dahil sa nangyari, hindi na maaaring gamitin ng mga restaurants sa Russia ang McDonalds name, logo, branding at menu.
Maliban sa McDonalds, una na ring nagtigil-operasyon sa Russia ang StarBucks, KFC, Taco Bell, Pizza Hut, Coca Cola Pepsi, Nestle at iba pa.