Nagdeklara ng state of emergency ang Mactan – Cebu International Airport Authority (MCIAA) kasunod ng ipinatupad na travel ban ng gobyerno sa lahat ng manggagaling sa China, Hong Kong at Macau.
Ayon kay MCIAA General Manager Steve Dicdican, dahil sa naging deklarasyon ay binibigyan nito ng otoridad ang airport authorities para mag invoke ng police powers at magsakatuparan ng emergency procurement.
Samantala, dahil sa travel ban hindi pinayagang pumasok sa cebu ang 121 dayuhan mula sa China at special administrative regions nito.
Habang ang halos 80 mga Pilipino na kasama sa naturang mga eroplano ay pinapasok naman sa bansa ngunit kinakailangan na sumailalim sa 14 na araw na quarantine.