Mananatiling sarado ang Municipal Circuit Trial Court o MCTC sa Victoria, Northern Samar hanggang July 2 ngayong taon.
Ayon sa korte suprema, ito’y upang bigyang daan ang malawakang disinfection sa mga tanggapan ng nasabing korte bilang pag-iingat laban sa COVID-19.
Napag-alaman na may mga empleyado na rin ng Victoria MCTC na tinamaan ng impeksiyon dahilan upang pansamantalang isara ang kanilang tanggapan.
Ayon sa supreme court, maaari namang tumawag sa official hotlines ng Victoria MCTC at email address nito na matatagpuan sa website ng kataas-taasang hukuman. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico