Inirekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Sablayan, Occidental Mindoro ang pagdedeklara ng State of Calamity sa lugar.
Ito ayon sa resolusyon ay para matutukan ang recovery at rehabilitation ng danyos na dulot ng Habagat na pinalakas pa ng bagyong Fabian.
Ipinabatid ng MDRRMC na 22 barangay sa bayan ng Sablayan ang nakaranas ng matinding pagbaha sa nakalipas na anim na araw dahilan ng matinding danyos sa agrikultura, kabuhayan, ari-arian at imprastruktura na pumapalo na sa halos P8-M.