Pinaigting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang kanilang operasyon sa Brooke’s Point Palawan dahil sa matinding ulan at baha dulot ng Low Pressure Area.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MDRRMO officer-in-charge Joey Heredero na nasa 80,000 katao ang naapektuhan ng masamang panahon mula pa noong bisperas ng Pasko.
Aniya, nakapagtala na rin sila ng pinsala sa imprastruktura tulad ng mga tulay.
Bridges ang nawasak talaga, pero ‘yung atin naman pong mga highway ay passable na from Puerto Prinsesa makakalampas ka na ng Brooke’s Point papunta sa kasunod ng barangay. May mga ilang barangay na hindi naming mapasok dahil hindi naman simentado at mahirap i-penetrate. Tinutulungan na po kami ng mga kapit-bahay na munisipyo tinutulungan nila kami sa aming operation and assisting us in managing ‘yung aming incident command system at communications po naming.
Ang pahayag ni Palawan MDRRMO OIC Joey Heredero, sa panayam ng DWIZ