Itinaas na ng Department of Health (DOH) ang measles alert sa buong bansa.
Ito ay kasunod ng deklarasyon ng DOH ng outbreak ng tigdas sa buong Metro Manila at Region 3.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, inaasahan ang pagdami pa ng kaso ng tigdas kaya’t minabuti ng kagawaran na itaas ang alerto.
Kasabay nito, inanunsyo ng DOH na lumawak pa ang mga lugar na may outbreak ng tigdas.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maliban sa Metro Manila, nakapagtala na rin ng pagtaas ng kaso ng tigdas sa ilan pang bahagi ng Luzon , Central at Eastern Visayas.
Dahil dito naki-usap si Duque sa mga magulang na huwag ipagkait sa kanilang mga anak ang bisa ng mga bakuna lalo’t nasa huli aniya ang pagsisisi.
Statistics
Mahigit limandaang (500) porsyento na ang itinaas ng kaso ng tigdas sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, siyamnapung (90) porsyento ng mga nagkaroon ng tigdas ang hindi nabakunahan.
Simula lamang nitong Enero 2019, nasa limampu’t lima (55) na ang nasawi sa San Lazaro Hospital dahil sa tigdas.
Sinabi ni Lazaro na ang mga nasawi ay may edad tatlong buwan hanggang apat na taon samantalang nasa limang taon pababa naman ang halos lahat ng naospital dahil sa tigdas.
—-