Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Health (DOH) sa posibleng maging epekto ng lumalalang mga kaso ng tigdas o measles ang tourism industry at deployment ng mga Overseas Filipino Workers o OFW sa ibang bansa.
Ayon sa kay Health Undersecretary Eric Domingo, hindi malayong magpalabas ng mga foreign advisories ang ilang mga bansa para pagbawalan ang kanilang mga mamamayan na magtungo sa Pilipinas kung hindi mako-kontrol ang outbreak.
Gayundin ang mga OFW na kung hindi man pagbawalan na magbiyahe ay hahanapan naman sila ng vaccination records.
Aniya, una nang nagtanong ang Hong Kong health officials sa kalagayan ng tigdas sa bansa.
Taong 2016 nang ideklarang measles free ang Hong Kong at ito rin ang destinasyon ng higit dalawang daang libong (200,000) mga OFW.
—-