Inirekomenda ng local health office sa Negros Oriental ang pagdedeklara ng measles outbreak sa buong lalawigan.
Ito ay matapos umakyat na sa walong lugar sa Negros Oriental ang may mga naitalang kaso ng tigdas.
Ayon kay Integrated Provincial Health Office Head Dr. Liland Estacion, muli silang nakapagtala ng panibagong apat na kaso ng tigdas sa Dumaguete City habang isa naman ang minomonitor sa bayan ng San Jose at tatlo sa Kabankalan City.
Samantala, kinukumpleto na ng mga barangay health workers ang kanilang master list ng lahat ng mga batang may edad lima pababa para naman sa isasagawang catch up immunization o pagbabakuna.
Una nang kinumpirma ng DOH ang measles outbreak sa isang barangay sa Taguig City at sa mga lungsod ng Davao at Zamboanga.
—-