Idineklara ngayong hapon ng Department of Health na mayroon ng outbreak ng tigdas o measles sa National Capital Region o NCR at sa Central Luzon.
Sa datos ng DOH Epidemiology Bureau, mula Enero 1 hanggang Enero 19 ngayong taon ay mayroon ng 196 na kaso ng tigdas kumpara sa 20 na naitala sa katulad na petsa noong 2018.
Noong 2018, mayroong 3, 646 kaso ng tigdas kumpara noong 2017 na 351.
Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, idineklara ang outbreak ng tigdas dahil sa patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan nito.
Layon aniya nto na mamonitor ang mga kaso, maalerto ang mga magulang at mga health givers upang maging mapagmatyag.
Ang NCR ay binubuo ng 16 na siyudad at isang bayan: Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas and Muntinlupa, at nag-iisang munisipyo ng Pateros.