Nanawagan ang isang animal rights group sa publiko na gawing meat free o iwasan ang pagkain ng karne ngayon panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay Jason Baker, Vice President for International Operations ng People for the Ethical Treatment of Animals o PETA, hindi lamang sa tao dapat magpakita ng kagandahang loob kundi maging sa mga hayop.
Wala naman aniyang mawawala kung hindi kakain ng karne ngayong kapaskuhan ngunit, mas mainam aniyang magdiwang ng pasko kung masusustansyang pagkain ang pinagsasaluhan tulad ng vegal meal.
Kumpara sa vegetarian na ipinagbabawal ang pagkain ng anumang uri ng karne, mas istrikto ang pagiging vegan dahil tanging gulay at prutas lamang ang maaaring i-konsumo at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng keso, gatas, itlog at iba pang mga produktong mula sa mga hayop.
Batay sa tala ng peta, nasa 50-Billion hayop ang kinakatay kada taon upang gawing pagkain ng tao.
By: Jaymark Dagala