Ihihirit sa Taiwan ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello III na taasan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Aniya, ito ay upang madagdagan ang benepisyo ng mahigit 200,000 Filipino overseas worker na nagtatrabaho sa nabanggit na bansa.
Dagdag pa ng opisyal, maganda ang kalagayan ng mga OFW sa Taiwan, pero kailangan din madagdagan ang kanilang kita.
Nabatid na hihilingin din ni Bello na ibaba ang pitong araw na quarantine protocol ng Taiwan dahil masyado aniyang mahaba ito lalo na para sa mga nais bumisita sa lugar, na iginiit niyang isa sa dahilan kung bakit hindi pa siya nagtutungo dito.