Hinimok ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang Taiwanese government na muling buksan ang kanilang borders para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na “stranded” sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa isang pahayag, sinabi ni MECO chairman at resident representative Wilfredo Fernandez na ipinarating na nila kay Taiwan labor minister Hsu Ming-Chun ang nasabing usapin.
Matatandaang mula noong May 2021 ay pinagbabawalan na ng Taiwan ang mga migrant workers na pumasok sa kanilang bansa na nakaapekto sa tinatayang limang libong OFWs.