Walang naitalang Pilipinong nasaktan sa naganap na lindol sa Taiwan noong weekend.
Ito ang sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Silvestre Bello III dahil maraming nasirang bahay, gusali, kalsada at nadiskaril na riles ng tren sa Taiwan.
Handa naman ang kanilang opisina at ang Department of Migrant Workers (DMW) na tumulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng nasabing lindol.
Matatandaang niyanig ng magnitude 6 point 8 na lindol ang Taiwan noong linggo.