Suportado ng OCTA research group ang mga panawagang palawigin ang MECQ sa NCR plus dahil sa “unstable” o hindi matatag na trend sa mga bagong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Professor Guido David, miyembro ng OCTA research group inirerekomenda nilang palawigin ang MECQ para tuluyang mapababa ang kaso sa Metro Manila sa average na 2,000 bagong kaso kada araw sa Metro Manila sa susunod na dalawang linggo.
Gayunman binalaan ni David ang gobyerno na tiyaking “gradual” o dahan-dahan ang pagluluwag ng restrictions dahil kung bibiglain ay nanganganib sumirit muli ang kaso ng COVID-19.
Binigyang diin ni David na hindi muna dapat payagan ang mga indoor dining o mga aktibidad sa nasa kulob na lugar dahil malaking panganib ng pagkakahawa hawa ang pagdidikit dikit ng mga tao kasama ang outdoor activities kahit yung mga nasa palengke.