Haharangin ni Mayor Evelio Leonardia ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na isailalim ang Bacolod City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula July 16 hanggang 31.
Ayon kay Leonardia, marami nang nawalan ng trabaho at naluging negosyo dahil sa napakahabang community quarantine at hindi na kakayanin ng lungsod makabangon kung hihigpitan o palalawigin ang restriksyon.
Sa katunayan anya ay natapyasan ng 42% ang COVID-19 case sa Bacolod sa nakalipas na dalawang linggo.
Kasalukuyang nasa ilalim ng General Community Quarantine ang lungsod. —sa panulat ni Drew Nacino