Inirekomenda muli ng mga experts mula sa University of the Philippines (UP) ang dalawang linggong pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Sinabi ng UP experts na maaaring hindi na makontrol ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 kapag nagkaroon aniya ng premature lifting ng quarantine status sa kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan na nasa MECQ hanggang bukas, August 18.
Ipinabatid ng UP OCTA research team ang pagpalo sa 210,000 kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng buwang ito kapag nanatili ang MECQ subalit madadagdagan ito ng 20,000 pa kung babawiin na kaagad ang MECQ.
Ang 15 day MECQ extension aniya ay para mabigyang daan ang local government units (LGU) ng panahon na palakasin pa ang tracking, quarantine at isolation procedures gayundin ang public at private sectors na matiyak na ligtas ang workplaces
Pinaiigting din ng researchers ang testing, tracing, isolation, treatment at health system capability.
Sinabi ng UP experts na dapat matuto ang gobyerno sa naging karanasan ng Cebu na na-flatten na ang curve matapos magkasa ng mas pinahigpit na lockdown.