Posibleng luwagan nang muli ang ipinatutupad na community quarantine sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.
Ito’y ayon kay DILG Sec. Eduard Año ay matapos ang ipinatupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro at Mega Manila hanggang Agosto 18.
Ayon sa kalihim, bagama’t binabalanse naman ng pamahalaan ang estado ng kalusugan ng mga Pilipino, kailangan ding ikonsidera ang muling pagbangon ng ekonomiya.
Gayunman, ang mahalaga muna aniya sa ngayon ay mapababa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 habang nasa MECQ ang NCR gayundin ang mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Dahil dito, nananawagan si Año sa publiko na limitahan lang ang pagkilos sa ilalim ng MECQ upang hindi masayang ang pagbibigay ng timeout sa mga medical frontliner.