Muling isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang mga lugar na sakop ng NCR plus bubble kabilang ang City of Santiago, Quirino at Abra simula sa buwan ng Mayo ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Magtatagal ang MECQ sa Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna hanggang Mayo 14 habang hanggang katapusan naman ng Mayo isasailalim sa MECQ ang Lungsod ng Santiago, Quirino at Abra.
Samantala, ibinaba naman sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga sumusunod na lugar hanggang Mayo 31.
- Apayao
- Baguio City
- Benguet
- Ifugao
- Kalinga
- Mountain Province
- Cagayan
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Batangas
- Quezon
- Tacloban City
- Iligan City
- Davao City
- Lanao del Sur
Habang inilagay naman sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga natitira pang mga lugar sa bansa.