Hiniling ng local government ng Zamboanga City sa IATF na palawigin pa ang MECQ status sa lungsod hanggang June 15.
Ang MECQ extension ayon kay city health officer Dr. Dulce Miravite ay isang paraan para matulungan ang lungsod na mapababa ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 dito.
Kasunod na rin ito aniya ng punuan nang sitwasyon ng karamihan sa mga ospital sa Zamboanga City para sa COVID at non COVID cases.
Nananawagan si Miravite sa publiko na sumunod sa health protocols at seryosohin ang banta ng COVID-19.
Ipinag utos na rin ni Mayor Beng Climco ang pagtataas ng bed capacity sa isolation facilities sa 1,000 mula sa 700.
Batay sa COVID-19 data tracker ng DOH ang Zamboanga City ay nakapagtala ng 2,408 active cases, dagdag na 105 cases at 90 mga bagong nakarekober sa sakit hanggang nitong may 28 samantalang nasa 391 ang death toll.