Nakabuo na ng 6 na gintong medalya ang Pilipinas sa 28th Southeast Asian o SEA Games sa Singapore.
Nakuha ni Claire Adorna mula sa Women’s Triathlon ang kauna-unahang gold medal ng bansa sa SEA Games na sinundan naman ni Nikko Bryan Huelgas matapos manalo sa Triathlon Men’s Individual.
Pumangatlo naman ang Pinoy Wushu artist na si Daniel Parantac para sa Men’s Optional Taijiquan habang nasungkit naman ng Philippine Volcanoes ang pang-apat na gintong medalya mula sa Men’s Rugby 7S nang talunin ang Malaysia.
Ang pang-limang medalya ng Pilipinas ay nagmula sa Men’s Billiards kung saan tinalo ng Pinoy na sina Carlo Biado at Warren Kiamco ang pambato ng Vietnam na sina Do Hoang Quan at Nguyen Anh Tuan.
Nangunguna si Biado sa World rankings ng World Pool-Billiard Association habang si Kiamco ay nasa ika-13 puwesto.
Naitala naman ang ika-anim na gold medal sa bansa matapos magwagi sa Women’s 57-63 KG Judo ang Fil-Jap na si Judola Kiyomi Watanabe kay Orapin Senatham ng Thailand.
Nasa ika-pitong puwesto ang Pilipinas na may kasalukuyang 6 na gold, 8 silver at 15 bronze para sa kabuuang 29 medalya sa SEA Games.
By Mariboy Ysibido