Inanunsiyo ni Mayor Joven Mondigo Jr. ng bayan ng Medellin sa lalawigan ng Cebu, na nagpositibo siya sa COVID-19.
Ani Mondigo, inaasahan niya na mangyayari ito dahil sa uri ng kanyang trabaho.
Sinabi pa ng Alkalde na naka-isolate na siya mula noong Huwebes nang lumabas na positibo ang resulta ng kanyang rapid antigen test.
Fully vaccinated na ang Alkalde at nakararanas ng mild symptoms ng COVID-19.
Kaugnay nito, hinikayat ni Mondigo ang mga mamamayan na magpabakuna laban sa virus.
Sa ngayon ay pansamantalang nakasara ang Office of the Mayor para sa disinfection.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico