Pagbibigay ng tamang impormasyon kaugnay sa mga nangyayari sa bansa at kung ano ang ginagawa ng gobyerno para sa mga mamamayan.
Ito ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang pinakamabisang paraan para labanan ang fake news.
Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senado sa usapin ng fake news, binigyang diin ni Andanar ang kahalagahan ng pagkakaroon ng media and information literacy na dapat ay nagkakaisang advocacy ng gobyerno, academe, private media organizations, social media platform providers at ng komunidad.
Ipinabatid pa ni Andanar ang aniya’y nasimulan nang programa ng PCOO para sa edukasyon ng publiko kaugnay sa pagiging mapanuri at responsableng information users at tiwala aniya siyang susuportahan ito ng lehislatura.
“To fight fake news is to inform the public on what is really happening in our country and what the government is doing for them to provide a comfortable life for all, most importantly, we underscore the need for extensive promotion of media and information literacy which should be a share of responsibility and advocacy of the government, the academe, the relevant industry players such as private media, social media platform providers and the community.” Pahayag ni Andanar
(Ulat ni Cely Bueno)