Bawal na ang media sa loob ng press briefing room ng Malacañang.
Sa anunsyo na ipinalabas ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) undersecretary Raquel Tobias, ang tanging papayagan sa press briefing room ay ang resources speakers, cameraman ng RTVM at isang moderator mula sa Office of Global Media and Public Affairs.
Ayon sa anunsyo ni Tobias, maaagang magtanong ang media sa pamamagitan ng virtual presser o puwede ring mag submit ng tanong sa moderator o kaya ay sa diretso sa resource speaker.
Hinihikayat ang media companies na maghook-up sa PTV upang mai-ere ng live ang press briefing.