Mariing kinondena ng University of the Philippines College of Mass Communications ang mga ginagawang hazing ng ilang samahan sa loob ng pamantasan.
Ito’y bilang tugon sa pagklat ng isang post ng UP Alumna na nagdedetalye sa naranasan niyang hazing na ayon sa mga netizens ay mala-hayop ang pagtrato
Sa ipinalabas na pahayag ng nasabing kolehiyo, sinabi nitong walang puwang sa up ang anumang uri ng hazing mapa-pisikal man o verbal lalo na sa isang bansang gumagalang at nagtatanggol sa dignidad ng isang tao.
Kasunod nito, binalaan ng UP Journalism Professor na si Danny Arao ang media sa pagpapalabas ng mga aniya’y sensationalized reporting hinggil sa hazing.
Aniya, isang talamak na problema sa iba’t ibang paaralan ang hazing kung saan, marami nang estudyante ang nasasawi dahil dito.
By: Jaymark Dagala