Tututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggampan sa kanyang mga tungkulin sa unang Isang daang araw niya bilang Presidente ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ito ang dahilan kung bakit hindi muna makikipag-usap sa media ang Pangulo.
Gayunpaman, nilinaw ni Abella na ang pagboycott ni Pangulong Duterte sa media ay nangangahulugang hangad nitong itago ang ilang bagay mula sa publiko.
Dagdag pa ni Abella, hindi gusto ng Pangulo na mag-sikreto dahil nais niyang maging transparent o hayag ang kanyang administrasyon.
Tiniyak ni Abella na tuloy pa rin ang pag-uusap tungkol sa mga pambansang isyu sa kabila ng pananatili ng media boycott ni Pangulong Duterte.
By: Avee Devierte