Maituturing din na frontliners ang mga miembro ng media dahil sa nalalagay sa peligro ang kanilang kaligtasan para patuloy na ma inform ang publiko sa sitwasyon at mga kaganapan ukol sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go, makaraang igiit na dapat ikunsidera ang pagsasama sa media sa priority list pagdating sa covid vaccine.
Para kay Senator Go, napakaimportanteng sektor ng ating lipunan ang mga miembor ng media at maituturing ng frontliners dahil sila ang ang nagdadala ng balita at maaring ma expose sa virus.
Kayat oras anya na dumating na ang bakuna dapat ay isama ang mga mamamahayag sa priyoridad sa mga babakunahan.
Samantala tinatalakay na ngayon sa plenaryo ng senado ang panukalang Vaccination Program Act na naglalayong mapabilis ang procurement ng bakuna ng mga local government unit at ma-establish ang vaccine indemnity fund.
Target na maipasa ito sa second reading ngayong araw. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)