Planong limitahan at lagyan na ng restriksyon ang pagpapa-interview sa media ng mga kongresista.
Sa ilalim ng panukala ng dating broadcaster na si Antipolo City 1st District Rep. Chiqui Roa-Puno, bawal mag-interview sa mga restricted area tulad ng cooling tower, electrical power house, switch gear area at fire pump area.
Ito, anIya, ay para sa kaligtasan ng mga mambabatas at mamamahayag at mapanatili ang seguridad sa Kamara.
Kabilang din sa “No-coverage area ang mga tanggapan ng Speaker, Majority Leader, House leader, member, official at employee maging sa hallway, banyo at elevator.
Pinag-aaralan na ni Committee on Public Information Chairman at Eastern Samar Rep. Ben Evardone, na isa ring dating mamamahayag ang draft guidelines ng panukalang batas ni Puno.