Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang media organizations aniya’y pinamumunuan ng mga oligarchs.
Unang binatikos ng Pangulo ang ABS-CBN dahil hindi aniya ibinalik sa kaniya ang Daang Milyong Pisong ibinayad nila sa airtime para sa kaniyang kampaniya nuong isang taon.
Sunod namang binanatan ng Pangulo ang pamilya Prieto na may-ari ng pahayagang Philippine Daily Inquirer dahil sa hindi binayarang buwis sa kanilang franchise ng Dunkin Donuts na umaabot ng mahigit Isang Bilyong Piso.
Hindi aniya nagalaw ang kaso dahil pinaki-alaman umano iyon ni dating BIR o Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Jacinto Henares.
Kasunod nito, nagbanta rin ang Pangulo na kaniyang ipakakalkal ang records ng mga nagmamay-ari ng media firms sa bansa partikular na iyong mga hindi binabayarang buwis sa pamahalaan.
By: Jaymark Dagala