Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alagad ng media na tumutok sa idinaos na 31st ASEAN Summit.
Ayon sa Pangulo, malaki ang naiambag ng mga mamamahayag para mai-ulat sa publiko ang kahalagahan ng ASEAN.
Naging katuwang din aniya ang mga local at foreign media para maiparating sa mga mamamayan ang mga ginagawang pagsisikap ng mga ASEAN leaders upang mapabuti ang pamumuhay ng kanilang mga nasasakupan.
Naniniwala din ang Pangulo na sa tulong at suporta ng media ay lalo pang mapapalakas ang buong komunidad ng ASEAN.
Sa huli, pinasalamatan din ng Pangulo ang Philippine media sa kanilang coverage sa loob ng isang taong chairmanship ng Pilipinas.
(Ulat ni Jopel Pelenio)