Sinisi ng Malacañang ang media na nagpalaki lang umano sa mga kaso ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, iilang insidente lang ang kontrobersiyal na tanim-bala na kailangang pag-aralang mabuti lalo pa at ang turistang Hapones na nakitaan ng bala sa kanyang maleta ay umamin sa sarili nitong pagkakamali.
Inihalimbawa niya ang kaso ng turistang hapones na nahulihan ng bala sa kanyang maleta.
Ipinahiwatig din ni Lacierda na hindi pa rin tatanggalin ni Pangulong Benigno Aquino III sa puwesto si Manila International Airport General Manager Jose Angel Honrado kahit pa ipinanawagan ng ilang mga kongresista ang pagsibak sa kay Honrado kaugnay ng kontrobersiya sa mga insidente ng laglag-bala sa NAIA.
Sinabi pa ni Lacierda na hindi kasama sa napag-usapan kahapon sa pulong ng pangulo at ni Department of Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Abaya ang panawagan ng mga mambabatas laban kay Honrado.
By: Mariboy Ysibido