Tiwala ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na tuluyang maisasabatas ang media workers welfare act na una nang inaprubahan sa kamara.
Kasabay nito ay nagpapasalamat si PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy-Egco sa mga kongresista at media organizations na sumuporta sa house bill 8140 na lumusot sa kamara sa pamamagitan ng unanimous vote na 218.
Sinabi ni Egco na umaasa siyang mabilis ding aaksyon ang senado at aaprubahan ang naturang panukala kung saan ang counterpart bill ay mismong si Senate President Vicente Tito Sotto III ang pangunahing may akda.
Binigyang diin ni Egco na ang nasabing panukala na nakatoon sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga mamamahayag at economic security ay isa sa mga maipagmamalaking landmark measures ng Duterte administration.