Idinepensa ng Malakaniyang ang pagpapatupad ng travel ban sa Taiwan dahil sa COVID-19.
Ayon kay Exec. Sec. Salvador Medialdea, ito ang napagdesisyunan ng karamihan ng miyembro ng inter agency task force para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino.
Ani Medialdea, kanilang nauunawaan ang iba’t-ibang reaksyon o sentimyento ukol sa implementasyon.
Ngunit iginiit ng opisyal na mahalaga ang travel ban dahil sa banta ng COVID-19.