Hinamon ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga senador na magsampa ng kaukulang kaso laban sa gobyerno ukol sa umano’y overpriced na medical supplies.
Ayon kay Medialdea, mas maiging ipaubaya ng mga mambabatas sa mga eskperto ang pag-iimbestiga sa usapin upang magampanan din nila ang kanilang trabaho.
Giit ng kalihim, hindi magagampanan ng mga resources persons ang kanilang trabaho sa COVID-19 response kung aabalahin pa ang mga ito ng mga senador habang tumataas ang bilang ng mga dinadapuan ng virus.
Bukod sa pambu-bully na inaabot ng mga iniimbitahang government officials, sinabi ni Medialdea na pawang mga espekulasyon lamang ang nakikita mala-circus na mga pagdinig sa senado.