Ibinulgar ni Executive Secretary Salvador Medialdea na sinampahan niya ng kasong Libel si Special Envoy to China Ramon Tulfo.
Ayon kay Medialdea, inihain niya ang kaso noong Hunyo ngunit hindi niya ito inilabas sa Media.
Dahilan nito ay ang malisyosong kolum ni Tulfo kung saan tinukoy na pinipigil ng Office of the Executive Secretary ang pagpapalabas ng 272 million pesos na cash reward ng gobyerno para sa isang indibwal na nagbigay ng tip sa smuggling activity sa Bataan.
Sinabi ni Medialdea na una na siyang sumulat sa Editorial Board ng Manila Times para palagan ang isinulat ni Tulfo nuong July 26.
Kaugnay nito, hindi naman hihilingin ni Medialdea sa Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto si Tulfo dahil Prerogative ito ng punong ehekutibo.
Sinabi pa ni Medialdea na handa na ang isa pang kaso ng libel na kanyang isasampa laban kay Tulfo sa susunod na Linggo.