Inalok ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez ang serbisyo ng kanilang mediation team o ang magiging tagapamagitan sa mga magkaka-away na political clans ngayong papalapit na halalan.
Bukod dito, binigyang-diin niya rin na ayaw niyang maglingkod bilang mga board of election inspectors ang kanilang mga pulis.
Kaya naman, papayagan ni Marquez ang mga ground commanders na magsagawa ng aktuwal na threat assessment kaysa sa karaniwang pagpapasa lamang ng mga impormasyon mula sa source.
Umapela rin siya sa mga sibilyan na makipagtulungan sa kanila, lalo’t ang mga armadong grupo aniya gaya ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at iba pang lawless elements ay posibleng isabotahe ang eleksyon sa ARMM.
By: Allan Francisco