Puspusan na ang ugnayan ng Commission on Elections (COMELEC) at Department of Health (DOH) kaugnay sa paglalagay ng medical assistance stations sa lahat ng voting precincts sa bansa.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, malaking tulong ang nasabing hakbang para sa mga botante at maging sa government personnel na mangangasiwa sa eleksyon.
Una nang nagpulong sina Bautista at Department of Health Secretary Janette Garin para sa pagpapatupad ng nasabing hakbang at pormal itong seselyuhan sa katapusan ng buwan ang memorandum of agreement hinggil dito.
By Judith Larino