Hindi na kailangan magpakita ng medical certificates ang mga menor de edad mula 12 hanggang 17 taong gulang bago magpabakuna kontra COVID-19.
Ito ang inanunsiyo ng Department Of Health (DOH), kailangan na lamang magpresenta ng mga nais magpabakuna ng mga dokumento na nagpapatunay ng filiation o guardianship sa pagitan ng bata at ng magulang o tagapag-alaga gayundin ng mga valid identification card.
Pinaalalahanan din ng kagawaran ang mga Local Government Units (LGUs) na tugunan ang mga concerns ng kanilang mga nasasakupan sa pagkuha ng bakuna kontra COVID-19.
Samantala, tanging mga menor de edad na may comorbidities ang kailangan magpakita ng medical certification mula sa kanilang doktor bago mabakunahan.
Sa ngayon, nasa 40k menor de edad na may comorbidities na ang nabakunahan laban COVID-19 simula noong Oktubre 15. —sa panulat ni Hya Ludivico