Nanawagan ang Philippine General Hospital (PGH) Director at Health Undersecretary na si Dr. Juan Maria Pablo Nañagas sa gobyerno na palakasin pa ang defense ability ng Chemical, Biological, Nuclear and Explosive (CBRNE) ng Pilipinas sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Aniya, hindi nito alam kung ang maynila ay nagsasagawa na ng anumang pagsasanay sa CBRNE defense exercise.
Halimbawa nito ang Partner Readiness and Emergency Program (PREP) ng United States na may sariling sangay ng CBRNE.
Binigyang diin din ni Nañagas na mahalaga para sa Maynila ang bumuo ng sarili nitong pangkat na makapagbibigay ng agarang gabay at payo sa naturang defense ability. —sa panulat ni Airiam Sancho