Exempted sa iiral na modified number coding scheme ang medical frontliners kapag ipinatupad na muli ang number coding sa Metro Manila.
Ayon ito kay MMDA general manager Jojo Garcia kaya’t mayruong pribilehiyo ang medical frontliners na gamitin ang kanilang sasakyan kahit coding.
Kasama rin sa papayagan sa modified number coding scheme na napagpasyahan ng Metro Manila Council ang mga pribadong sasakyan na may sakay na dalawa o higit pang pasahero.