Inihayag ni house committee on appropriations chair at ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap na may gumagamit sa medical frontliners upang pabagsakin ang gobyerno.
Ani Yap, ginagamit ang mga frontliners para magalit ang publiko sa pamahalaan kahit pa marami nang nagawa ito para sa kanila.
Hindi rin umano dapat ginagamit ang impluwensya para siraan ang gobyerno sa halip ay ang ipanawagan sa publiko ang pananatili sa bahay upang maingatan ang sarili laban sa nakahahawang sakit.
Iginiit din ni Yap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang kalaban at hindi ang gobyerno.