Mananatiling libre ang toll ng Skyway 3 para sa mga medical frontliners.
Ito ang inihayag ng San Miguel Corporation kahit pa masimulan na nila ang pangongolekta ng toll fee sa mga motorista sa Pebrero 2.
Ayon sa SMC, bukod sa Skyway 3, patuloy pa rin nilang ipatutupad ang kanilang no toll fees program para sa mga frontlines sa lahat ng hawak nilang expressway.
Kabilang dito ang Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Southluzon Expressway (SLEX), the Skyway System NAIA Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).
Batay sa datos ng SMC, umaabot na sa P156 million ang inilibre nilang toll fees para sa mga medical frontliners magmula nang umpisahan nila ang programa noong Marso ng nakaraang taon bilang bahagi ng kanilang COVID-19 response.