Nilinaw ng Dangerous Drugs Board (DDB) na hindi nila inaprubahan ang paggamit ng medical marijuana para sa epilepsy.
Ayon kay DDB chairman Catalino Ccuy, ni-reclassify lamang nila ang mga gamot na mayroong component ng Cannabidiol na matatagpuan sa marijuana.
Sinabi ni Cuy na kailangan pa rin ng permiso mula sa DDB o sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung mangangailangan ng Cannabidiol ang isang pasyente.
Kabilang anya sa tungkulin ng DDB ang mag reclassify ng mga gamot na pwedeng tanggalin o idagdag sa listahan ng dangerous drugs.
Posibleng pagpapabilis ng paglusot ng Medical Marijuana Bill sa kongreso, kinontra ng DDB
Kinontra ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang mga nagsasabi na posibleng mapabilis na ang pagpasa ng Medical Marijuana bill sa Kongreso matapos nilang aprubahan ang paggamit ng Cannabidiol (CBD) sa mga may epilepsy.
Ayon kay DDB chairman Catalino Cuy, lalabas na hindi na kailangang gawing legal ang paggamit ng medical marijuana dahil aprubado na ng DDB ang Cannabidiol.
Batay sa pag-aaral, may dalawang component ang marijuana –ang CBD at THC (Delta-9-Tetrahydrocannabinol).
Ang CBD umano ang mayroong therapeutic component o nakagagamot, samantalang ang THC ang nagbibigay ng high.