Nilinaw ni Dr. Anthony Leachon ng Philippine College of Physicians ang posisyon ng medical community hinggil sa Medical Marijuana Bill.
Kasunod na rin ito nang pagsuporta ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa nasabing panukala bagamat para lamang sa mga malalang sakit o yung mga terminally ill.
Sinabi sa DWIZ ni Leachon na trabaho na ng FDA o Food and Drug Administration ang pagtukoy sa isang rehistradong gamot sa anumang sakit.
Bahagi ng panayam kay Dr. Leachon
Tutol din ang Phillipine College of Physicians o PCP na magkaroon pa ng batas sa paggamit ng marijuana bilang gamot.
Ayon kay Leachon mayroon nang umiiral na panuntunan ang estado sa compassion medicine kaya’t hindi na kailangan ang panibagong batas hinggil dito.
Ipinaliwanag ni Leachon na masyadong maaga para gumawa ng batas sa medical marijuana dahil wala pa namang pag-aaral na talagang nakakagamot ito.
Sa ngayon aniya, ang tanging napatunayan ng marijuana ay puede itong maka-relieve ng sakit subalit hindi pa tiyak kung ito ay nakakagamot.
Bahagi ng panayam kay Dr. Leachon
CBCP
Suportado nga ng CBCP o Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang medical marijuana bill o paggamit ng marijuana para ipanggamot sa mga sakit.
Gayunman, binigyang diin ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Pangulo ng CBCP na “morally irresponsible” na payagan ang paggamit ng marijuana o iba pang narcotic drug nang hindi ipinapayo ng mga doktor para makagaling sa mga may malalang sakit o terminally ill.
Iginiit ni Villegas na higit na mali ang gamitin lamang sa recreational o leisure purposes ang marijuana.
Nagpahayag din ng reservation ang CBCP sa mga panukalang magdadala ng access sa publiko ng marijuana o iba pang narcotic drugs sa publiko dahil sa delikado ito sa kalusugan lalo na’t naabuso.
Sinabi ni Villegas na dapat maging mapagbantay ang gobyerno at huwag palusutin ang anumang panukalang magbibigay ng access para maabuso ang mga ganitong uri ng droga.
By Judith Larino | Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo grabbed from: nyulocal.com