Ito ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Pena ang layon ng mga ikinabit na plywood wall, clear waterproof acrylic window, air conditioning, roof mounted ventilation at specimen table sa specimen collection booths na sinimulan nang i-deliver ng gobyerno sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi pa ni Dela Pena na mayruon ding isang feature ang nasabing booth na positive pressure para maiwasan ang pagpasok ng kontaminasyon mula sa labas at mayruong compression sensor na ginagamit.
Ipinabatid ni Dela Pena na nakapag-deliver na ang DOST ng 53 units ng nasabing speicmen collection booth sa Metro Manila at Regions 1 at 2 at ang iba ay nasa proseso pa lamang ng delivery.
Ang Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development ang gumawa ng disensyo ng booth sa tulong ng DOST.