Hinimok ng ilang senador ang lahat ng mga kandidato sa national position na maglabas ng kanilang medical at health records.
Ayon kina Senate President Franklin Drilon, Senate Deputy Minority Leader Vicente Sotto III at Sen. Aquilino Pimentel III, sa ganitong paraan ay maipapakita ng mga ito ang tunay na estado ng kanilang kalusugan.
Binigyang diin ni Drilon na karapatan ng mga botante na malaman na ‘fit to work’ ang mga kandidato sakaling manalo sa halalan lalo na ang mga tumatakbo sa mas mataas na posisyon.
Dagdag pa ni Drilon na dapat ilahad ng mga kandidato ang kanilang medical records sa ngalan na rin ng transparency.
Matatandaang kumasa na sa naturang hamon sina liberal party Standard Bearer Mar Roxas, vice president jejomar binay, at Senadora Grace Poe.
By: Jelbert Perdez