Arestado ang isang medical student matapos mahuling nagbebenta ng cannabis oil, derivative ng marijuana at paglabag din sa Election Gun Ban.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), kinilala ang suspek na si Rose Vill Maldo sa isang coffee shop sa Barangay Doña Imelda sa Quezon City.
Nagbebenta ito online ng cannabis oil na aniya’y gamot sa cancer, epilepsy, pain relief at nilalagay sa juice para sa electronic cigarettes.
Nasa 27 milliliters ng cannabis oil ang nakuha sa suspek na nagkakahalaga ng 26,000 pesos.
Sa ngayon, nahaharap na sa kasong pagbebenta ng iligal na droga ang suspek maging ang paglabag sa Election Gun Ban at falsification ng public documents. —sa panulat ni Abby Malanday