Iginiit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kailangang higpitan ng gobyerno ang pagpapairal sa Solid Waste Management Act partikular ang segregation at pagkolekta ng basura sa bansa.
Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, tumaas ang dami ng healthcare waste sa isanlibong metrikong tonelada ang nakokolekta kada araw ngayong pandemic dahil sa mandatory ang paggamit ng face mask sa bansa.
Anya, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang lokalidad upang maitama ang segregation at pagtatapon ng basura.
Samantala, layon nito na hindi makakaapekto sa kapaligiran at kalusugan ng mga tao ang mga naturang basura. –Sa panulat ni Mara Valle