Naudlot ang nakatakda sanang pag-uusap at bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa Beijing, China.
Ayon kay Foreign Affairs Executive Director Evangeline Ong-Ducrocq, hindi magtugma ang schedule ng dalawang leader na kapwa dumadalo sa “Belt and road forum for international cooperation.”
Interesado anya ang dalawang leader na magkita at matalakay ang mga usaping magpapalalim sa relasyon ng Pilipinas at Turkey.
Dahil dito, tanging sina Chinese President Xi Jinping at Mongolian Prime Minister Chimed Saikhanbileg bago tuluyang bumalik sa bansa mamayang gabi.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping