Nakatakdang maupo sa isang pagpupulong ang gobyerno ng Pilipinas, Moro National Liberation Front (MNLF) at Organization of Islamic Conference (OIC).
Ito ay upang subukang mapagkaisa ang mga paksyon ng MNLF at plantasahin na rin gusot sa 1996 Final Peace Agreement sa pagitan gobyerno at ng naturang rebeldeng grupo.
Ayon kay Rev. Absalom Cerveza, tagapagsalita ng MNLF Faction ni Nur Misuari, hindi sila umaasa sa anumang positibong resulta ngunit handa naman silang makinig sa anomang magiging pahayag ng gobyerno at OIC
Maituturing aniyang malaking hadlang sa pagkakasundo ng gobyerno at MNLF ay ang Bangsamoro Basic Law na kasunduan naman ng gobyerno sa breakaway group nitong Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Magsisimula ang tripartite meeting sa Setyembre 6 hanggang 8 sa New World Hotel sa Makati City.
By Rianne Briones