Iminungkahi ni Senate Majority Floor Leader Vicente “tito” Sotto the Third na gawing mega drug enforcement academy ang mega drug treatment and rehabilitation center sa Fort Magsaysay, nueva Ecija.
Ayon kay Sotto, ang Philippine Drug Enforcement Agency ang dapat mangasiwa sa nasabing academy na maaaring magsilbing extension ng PDEA Academy.
Sa laki anya ng lugar ay maaaring libu-libong agent ng PDEA ang ma-i-produce kada batch.
Para naman maging world class ang training facility, inirekomenda rin ni Sotto kay Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring hingin ang tulong ng mga instructor mula sa Chinese Police Academy o U.S. Federal Bureau of Investigation.
Ipinaabot na ng Senador kay Pangulong Duterte ang kanyang mungkahi at umaasang sasangyunanin ito.